Hilig ng pinoy ang magbasa ng mga nakakakilig na kwento kaya naingganyo akong magsulat. Sana po magustuhan niyo.
When Love Strikes Book I – Destiny
Grade five lang si Liz (Eliza Castro) ng mahalin niya si Troy Andrew Silva. Gwapo kasi ito at sadyang nakakaakit ang mga mata at matatangos na ilong nito. Bata pa si Liz noon kaya kung may magustuhan siya ay hindi niya kayang itago. Halatang halata ang mga kilos niya ng lahat lalong lalo na ni Troy. Isang araw ay ipinahiya siya sa lahat ni Troy dahil sa damdaming iyon. Magmula ng ipahiya siya nito ay isinumpa niya na kung ligawin siya nito paglaki niya ay hindi niya kailaman tatanggapin kahit lumuhod pa sa harapan niya.
Nang makatapos ng college si Liz ay nag-abroad siya sa Hongkong. Sinuwerte na mababait ang kanyang mga naging amo kaya dinala siya ng lumipat ang mga ito sa America.
Nang nasa America na siya ay nabalitaan niya na ang daming nahuhumaling kay Troy dahil sa napakagaling nitong sumayaw at kumanta bukod pa sa napakagwapo nito. Magmula noon ay binalak niya na sakaling makauwi siya ay aakitin niya ito lalo pa na ang kanyang close friend na si Abby ay siyang girlfriend nito sa kasalukuyan.
Magtagumpay kaya siya sa binabalak niya? Mapanindigan kaya niya ang sinumpa na kailanman hindi niya tatanggapin ito sakaling manligaw ito sa kanya? Sadya nga bang sila ang nakatadhana para sa isa’t isa? (Click here to view full story.)
——————————————————————
When Love Strikes Book II – I Won’t Give You Up
“I’ll give up my career, I’ll give up everything I have…. but not you Liz. I won’t give you up. I will never give you up.” Buong pusong pangako ni Troy kay Liz. Mapanindigan kaya niya kung hindi payag ang manager niya na makipagrelasyon siya? Makaya kaya niyang tuparin kung hindi boto kay Liz ang mommy niya at ilang beses tinangkang buwagin sila?
I will spend the rest of my life with you mahal ko. Isang lihim na pangako ni Liz kay Troy. Hanggang saan niya kakayanin kung lagi niyang makakabangga ang mommy ni Troy? Paano kung sumingit pa si Andree sa pagmamahalan nila, will they spend the rest of their lives in each other’s arms?
Hanggang saan mapapanindigan ni Troy ang pangakong ipaglalaban at hindi niya kailanman bibitawan si Liz kung kahit si Liz ay bumibitiw na sa komplikadong relasyon nila? Masabi pa kaya nila sa isa’t isa ang katagang ‘I won’t give you up?’ (Click here to view full story.)
——————————————————————
When Love Strikes Character Sequel – Together Forever
(Tyrone and Ashiel Love Story)
Sina Tyrone at Ashiel ay totoong pagmamahal ang nararamdaman sa isa’t isa. Nagsumpaang sila habang panahon. Matutupad kaya nila ang sumpaang iyon kung susubukin ang tatag ng pagmamahalan nila?
Si Tyrone, wagas na pagmamahal ang iniaalay sa girlfriend niyang si Ashiel. Ni minsan ng naging sila na ni Ashiel ay hindi na ito tumingin sa iba. Naging napakafaithful niya bilang isang boyfriend ngunit hindi siya gusto ng mga magulang ni Ashiel para sa dalaga dahil sa pagiging artista niya. Kadalasan daw kasi sa mga artista ay madaling nagpapalit ng karelasyon o kahit ng asawa. Kahit anong patunay ni Tyrone na mahal niya si Ashiel ay di siya magustu-gustuhan ng mga ito. Ano ang kayang gawin ni Tyrone sa ngalan ng pag-ibig niya kay Ashiel?
Si Ashiel, kahit hindi gusto ng kanyang mga magulang si Tyrone ay ipinaglalaban niya ang binata. Inalok siya ng kasal nito pero tumanggi siya dahil hindi pa siya handa bagay na ipinagtampo ni Tyrone sa kanya.
Ano ang kahihinatnan ng kanilang relasyon kung isang araw malalaman na lang ni Ashiel na may iba na si Tyrone? Paano na lang ang sumpaang sila habang panahon kung magpapatali na ito sa iba? Ipaglalaban pa rin ba ni Ashiel ang boyfriend sa kabila ng sitwasyon nito? (Click here to view full story.)
——————————————————————
Attracted si Jayson kay Lissie, ang night supervisor ng Haven Hotel, she is totally beautiful and sexy. Ngunit kabaliktaran naman ang nararamdaman niya para sa kakambal nitong si Lexa. He consider her as his mortal enemy dahil sa pagpapahirap nito sa kanya sa pagtatrabaho sa hotel bilang isang janitor.
Ipinangako ni Jayson sa sarili na kapag nanalo siya sa kasunduan nila ng kanyang ama, he will marry Lissie and fired Lexa from her job as a manager of Haven hotel.
Magtagumpay kaya si Jayson sa kanyang mga plano? Or he will still be defeated by Lexa? (Click here to view full story.)
——————————————————————
Jeoffrey Scott Peterson – BatCom (Battalion Commander) ng CAT, Gwapo, half-American, crush ng bayan pero masyadong mapili sa girl na magugustuhan. Gusto niyang girl matalino, easy go lucky, walang bisyo kahit occasionally, hindi maarte in short manang ang dating.
- Daddy niya ay American at ang Mom niya ay Filipina. Retired na ang Dad niya kaya napagdesisyonan ng mga magulang na sa Pilipinas na manirahan.
- Napakabait na anak. Walang bisyo at ipinagmamalaki ng mga magulang niya.
- All the traits na gusto ni Lyka nasa kanya.
Princess Lyka Montes – Transferee ng school nina Jeoff. Kikay na kikay. Konting dumi ‘ewwww’. Nagtry magCAT kahit hindi mahilig para maiba naman daw. Cheerleader at majorette ng banda sa dating pinapasukang school.
- Sundalo ang daddy niya. Negosyante ang mommy niya. Lumaking ibinibigay lahat ng luho. Hindi marunong kahit paghawak ng walis. Takot mabilad sa araw dahil baka masira ang beauty.
- Sensitive kahit pa nakikitang parang palaging masaya ito.
- Umiinom at naninigarilyo kapag napapasama sa barkada. Kabaliktaran sa traits na like ni Jeoff.
Jeoff towards Lyka – Napakaclumsy talaga ng babaeng ito. Ako laging minamalas kapag nadidisgrasya siya.
Lyka towards Jeoff – Gwapo sana pero walang taste sa babae. Bakit kaya lagi na lang niya akong napag-iinitan?
Paano ipapakita ni Lyka kay Jeoff na may mga bagay din siyang nalalaman bukod sa pagiging kikay at pagpapaganda? Makaya kaya ni Lyka na baliin ang isinumpa ni Jeoff sa sarili na kailanman ay di magmamahal ng mga katulad niya? Paano kung hindi kayang aminin ni Jeoff ang sariling damdamin at mas pipiliin nitong lumayo kaysa ipagtapat sa kanya iyon? Liligaya pa kaya si Lyka sa feeling ni Jeoff o sa pangalawang pagkakataon ay luhaan siyang malalayo sa lalaking mahal niya? (Click here to view full story.)
——————————————————————
Jessel Andrada – Mahinhin. Tambouine dancer at singer. Membro ng banda sa church nila.
- Nasa edad na para magmahal pero ang napili niyang lalaki ay hindi niya pwedeng mahalin dahil may masasaktang menor de edad na nagmamahal sa kanya – si Brent.
Brent Galea – Bata ng limang taon kay Jessel. Bestfriend niya ang kapatid ni Jessel. Drummer at singer. Kasama ni Jessel sa simbahan.
- Nagustuhan kaagad niya si Jessel ng makita at makilala niya ito. Sinasabi niyang si Jessel ang first love niya at ito lang ang babaeng mamahalin niya.
Ian Costarico – Kasing-edad ni Jessel. Magiging close kay Jessel. Bass guitar player at singer. Membro ng sister church nina Jessel.
- Mahuhulog ang loob niya kay Jessel pero piniling magparaya para kay Brent.
May pag-asa pa kaya para kay Ian at Jessel? Paano nila lalabanan ang bugso ng damdamin sa tawag ng tungkulin? Hanggang kailan nila kayang tikisin ang kani-kanilang damdamin? (Click here to view full story.)
——————————————————————
“I LOVE YOU, and no matter what happen, I will always love you. Even if you are not beside me your always be here in my heart”, mga salitang huling binitiwan ni Philip bago sila nagkahiwalay ng landas ni Eunice.
Dalawang pusong sadyang pinaglayo ng tadhana ang muling magkikita sa’di inaasahang pagkakataon.
Ngunit paano nila ipaglalaban ang pag ibig kung pilit silang pinaglalayo ng tadhana? Ano ang kaya nilang gawin sa ngalan ng pag ibig?
Isang pag-ibig sa nakaraan na hindi man lang nasimulan, ay tatapusin sa kasalukuyan. (Click here to view full story.)
——————————————————————
Si Katherine Dela Cruz ay nasa third year college ng makilala niya si Jerick Solis. Nakahiligan kasi niya ang pagchachat kaya naging kachatmate niya ito. Paniwalang-paniwala siya na taga-Manila ito pero ang totooy nasa iisang school lang sila sa Cagayan.
Hindi inaasahan ni Kath na iseset-up sila ng close friend niya na teacher para magkakilala sila ng personal. Nahulog ang loob ni Kath kay Jerick dahil sa ito ang tipo niyang lalaki. Matangkad, maputi at higit sa lahat varsity ng school nila, popular ika nga.
Sa ibang banda naman ay kabaliktaran si Kath sa gustong babae ni Jerick. Ang gusto kasi ni Jerick ay iyong tipong popular sa school kagaya niya, matalino, maganda at higit sa lahat sexy. Hindi naman sa hindi maganda at matalino si Kath pero dalawa ang hindi niya namet na criteria – iyon ay ang pagiging popular sa school at pagiging sexy.
Nang malaman ni Kath na isa si Jerick sa mga varsity ay palagi na lang siyang nanunuod ng mga laro nila. Minsan nga ay hating-gabi na kung umuwi siya para lang suporta kuno sa team ng school. Hindi man lang siya pinapansin ni Jerick. Palagi na lang ang atensiyon ni Jerick sa president ng SBO (Student Body Organization) ng school. Maganda kasi ito, matalino, popular at higit sa lahat napakasexy nito.
Sa di inaasahang pagkakataon ay naging magkaibigan sina Kath at Jerick. Nagkaroon ng konting pag-asa si Kath na baka sakali ay mabigyan siya ng atensyon ni Jerick pero nagkamali siya. Naging sumbungan siya ni Jerick sa lahat ng sakit ng loob nito dahil sa minamahal na babae. Kung masakit man kay Jerick iyon ay doble naman kay Kath ang pagdurusa nito. Madalas niyang isipin kung sana’y ako na lang hindi ka na sana magkakaganyan. Kung sana’y ako na lang hindi ka na sana nasasaktan. Kung sana’y ako na lang Jerick. (Click here to view full story.)
——————————————————————
Simula pagkabata ay matalik ng magkaibigan sina Mika at Julie. Sabay na lumaki at nag- aral sa iisang paaralan mula elementarya hanggang college.
Hindi nga lang sila pareho ng kursong kinuha dahil magkaiba ang hilig ng dalawa. Nagtapos ng Business Administration si Mika, samantalang Nursing naman ang natapos ni Julie.
Dumating sa buhay nila si Axel, ang espesyal na lalaki sa buhay ni Julie.
Ngunit paano kung pati si Mika ay mahulog rin ang loob sa binata.
Kaya bang pawiin ng pag-ibig ang itinatagong galit sa puso ni Mika?
Kaya ba niyang palayain ang sarili alang-alang sa pagmamahal? (Click here to view full story.)
——————————————————————


