Hilig ng pinoy ang magbasa ng mga nakakakilig na kwento kaya naingganyo akong magsulat. Sana po magustuhan niyo.
Love Will Conquer Book I – Ang Kwentas
Matagal nang gusto ni Gem si JC. Cute kasi ito at basketball player pa ng school nila. Ang hindi alam ni Gem ay ganuon din ang damdamin ni JC sa kanya. Minsang purihin ni JC si Gem sa suot niya ay naging simula ito ng walang katapusang tuksuhan kapag naglalapit sila o nagkakasama.
Sumali silang pareho sa ROTC at kapwa naging officers. Mas lalong naexcite si Gem dahil magkakasama sila sa iisang office pag nagduty na sila sa 4th year.
Nang nasa fourth year na sila ay nanligaw si JC sa kanya. Hindi niya sinagot agad dahil may sumingit sa buhay niya. Si Jonas.
Magiging sila pa kaya kung laging sumisingit si Jonas? Ano ang kinalaman ng kwentas sa kanilang tatlo? Paano na lang kung mawawala si JC? Makaya kaya ni Gem?
Maghandang maiyak sa storyang ito. (Click here to view full story.)
Book II entitled Tayo Pala coming soon…
——————————————————————-
Against All Odds Book I – Bakit Ikaw Pa?
Sina Mon at Micea ay nagkakilala sa Bohol ng pareho silang magbakasyon.
Wrong timing ang unang pagkikita ng itulak ni Mon si Micea. Kahit humahanga siya sa binata ay tinatarayan ni Micea ito lagi. Unti-unti silang nagkakalapit ng loob sa madalas silang paglabas at pamamasyal. Ilang beses nang sinabi ni Mon na mahal niya si Micea pero hindi maamin-amin ni Micea ang damdamin niya.
Isang araw, kahit hindi magkasintahan ay nagtanan ang dalawa. Hindi pa din masabi ni Micea ang tunay niyang nararamdaman kay Mon hangga’t isang araw ay binalak niya na sorpresahin si Mon at sabihin na dito ang damdamin niya. Paano niya masasabi kung umalis na ito ng hindi man lang nagpapaalam sa kanya? May happy ending pa kaya kung matuklasan niyang engage na ito sa dating girlfriend?
Basahin niyo po. Base sa totoong storya. (Click here to view full story.)
~~~~~~~~~~
Against All Odds Book II – Tayo Hanggang Huli
Masayang-masayang nagmamahalan sina Mon at Micea. Kahit pa hindi ito madalas magkita dahil nasa Davao si Mon at nasa Bohol naman si Micea ay palagi pa din itong nagtatawagan at nagpapadalahan ng mga love letters.
Dumating ang araw na kinatatakutan nina Mon at Micea, ang pag-alis ni Micea papuntang America. Ayaw mang tanggapin ng dalawa pero kailangan para sa kinabukasan din naman nilang dalawa ang planong iyon kapag nagkataon.
Kahit nasa malayo si Micea ay walang araw na hindi sila nag-uusap ni Mon. Panay ang tawagan nila sa isa’t isa. Nagpapadala din siya ng mga package kay Mon kapag mayroon siyang nagugustuhan para sa kasintahan at ganuon naman si Mon kay Micea.
Araw ng graduation ni Micea, excited na siya dahil niregaluhan siya ng Ante niya ng ticket pauwing Pilipinas. Sa wakas makikita na din niya si Mon. Nang papalabas na siya ng kanilang bahay ay isang malagim na trahedya ang nangyari. Nabundol si Micea ng isang sasakyan dahil tinakbo nito ang bata na siya sanang masasagasaan. Hindi naman ganuon kalakas ang impact pero nabagok ang ulo niya na siyang dahilan ng pagkakaamnesia niya. Nakalimutan niya ang lahat… kasama pati si Mon.
Hanggang saan aabot ang pagmamahal ni Mon kung hindi siya nakikilala ng kasintahan? Sila pa rin kaya hanggang huli kung si Rian ang iniisip ni Micea na mahal nito? (Click here to view full story.)
~~~~~~~~~~
Against All Odds Book III – Ikaw Lamang
Madaming pagsubok na ang nalampasan ng pagmamahalan nina Mon at Micea. Pinadala si Micea ng lolo niya sa America kaya ilang taon ding nawalay sa minamahal. Nang makauwi naman siya ay hindi naaalala ang lalaking minamahal dahil sa pagkakaamnesia. Pero lahat ng pagsubok na dumating sa buhay nilang dalawa ay nakaya nilang malampasan iyon. Ngayong nasa bagong yugto na sila ng kanilang pagmamahalan ano ang mga pagsubok ang kanilang haharapin?
Bagong mga tauhan:
Raycea Jane Alda - anak nina Mon at Micea.
Glenda Baromeda – Spoiled brat na pumasok bilang secretary ni Mon. Ano ang magiging papel niya sa pagmamahalan nina Mon at Micea? Maganda kaya ang idudulot niya o magiging dahilan siya ng tuluyang pagkawasak nito?
Paano kung magbalik si Rian at guluhin na naman sila? May kaligayahan pa kayang naghihintay sa pamilya nila? (Click here to view full story.)
——————————————————————-
Si Chris Gianna, simple, mabait at mapagbigay. Lumaki sa piling ng kanyang lola dahil pilit na itinatago ang kanyang tunay na pagkatao. Subalit darating ang panahon na makikilala niya ang pamilya ng ama at ang kapatid niya. Iibig siya kay Vince. Ngunit ang lalaking mamahalin ay nakapangako na pala sa sariling kapatid.
Si Louise, na ang pagkakaalam ay siya lang ang unica iha ng mga Fuentabella, hanggang sa malaman niya na may kapatid pala siya sa labas. Sa kabila ng nalaman ay tinanggap niya ng buong puso ang kapatid. Ngunit papaano kapag nalaman niyang ito rin pala ang magiging kahati niya sa pag-ibig sa nobyong si Vince. Ano ang kaya niyang gawin para makamit ang ligaya ng puso niya?
Si Vince Roque, anak mayaman ngunit mapagkumbaba. Itinakda na siyang ikasal sa nobyang si Louise. Subalit nakilala niya si Gia na sa unang pagkikita pa lamang nila ay pag-ibig na ang naramdaman para sa isa’t isa.
Sa magkapatid na iisa lang ang mamahalin sino ang iibigin? Sino ang pipiliin? (Click here to view full story.)


