Subscribe to FilipinoConnect.Net Subscribe to FilipinoConnect.Net's comments

 Powered by Max Banner Ads 

E-PocketBooks

Malugod ko pong inihahandog simula sa buwan ng mga puso (Pebrero) ang E-Pocketbooks. Ito po’y mga kwentong mababasa niyo mula simula hanggang katapusan kaagad. Hindi po kayo mabibitin dito.

Sisikapin ko pong dalawang o tatlong beses sa isang buwan makakapagsulat ng mga E-Pocketbooks para po sa inyong mga patuloy na sumusubaybay sa FilipinoConnect (FC).

Thank you po! Sana po ay hindi kayo magsasawa sa pagbabasa ng mga love stories na gawa ni Miss J. Ingat po kayong lahat!

*************

Tu Es Jolie (You Are Pretty) Series Book I

= Sana’y Akin Ka =

May girlfriend si Ezekiel ng makilala siya ni Ada. Attracted kaagad si Ada sa kanya pero hindi maipakita ni Ada ang sariling damdamin dahil sa may girlfriend ito.

Laging nag-aasaran sina Ada at Ezekiel sa tuwing nagkakasama sila kahit pa nasa paligid ang girlfriend nitong si Marie. Walang-araw na hindi inaasar ni Ezekiel si Ada sa lalaking itinutukso nila rito na si Bryan.

Isang araw ay nagtapat si Ezekiel kay Ada na gusto siya nito. Dahil sa gusto din ni Ada si Ezekiel ay tinugon niya ang damdamin nito at naging sila. Kahit palihim ang kanilang relasyon ay naging masayang-masaya silang dalawa sa piling ng isa’t isa.

Paano kung dumating ang pagkakataon na kailangang mamili ni Ezekiel sa dalawang babaeng minamahal niya? Sino ang pipiliin niya? Si Marie na unang minahal niya at pinaglilingkuran niya ng buong puso? O si Ada na mahal na mahal siya at napakasaya niyang kasama ito kahit man lang patago ang pagkakasamang iyon? {Read Whole Story Here}
————————————————————————————————————————-

Tu Es Jolie (You Are Pretty) Series Book II

= Pagmamahal Mo Ang Kailangan Ko =

“I can move heaven and earth just to prove my love for you. And if it is not enough, I will make the sun rise in the west…”

Si Kenth. Ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Gwapo…simpatiko…edukado. Ngunit walang hilig magtrabaho. Ang gusto lamang gawin ay eenjoy ang buhay binata.

Si Liway. Lumaki sa kahirapan, na kahit grade one ay hindi man lang nakatungtong, kaya lumaking no read, no write. Ngunit sa kabila ng kamangmangan ay napakamadiskarte sa buhay. Wala ng ginawa mula pagkabata kundi ang magbanat ng buto para makatulong sa pamilya. Hate na hate niya sa mga lalaki ay iyong hindi marunong magtrabaho at nakadepende lang sa pera ng mga magulang. Kaya naipangako niya sa sarili na kung mag-aasawa man siya ay sisiguraduhin niyang masipag at responsible ang lalaking pipiliin, hindi bale nang hindi mayaman.

Ngunit paano kung magtagpo ang landas nila ni Kenth? At di sinasadyang mahulog ang loob nito sa kanya? Magkaroon kaya ng pag-asa ang herederong binata sa pihikang puso ng dalaga? Kaya ba niyang talikuran ang pagiging happy-go-lucky bachelor para lang kay Liway? Papaano niya mapapatunayan sa dalaga ang kanyang pag-ibig kung langit at lupa ang nakapagitan sa kanila?
————————————————————————————————————————-

Tu Es Jolie (You Are Pretty) Series Book III

= Ikaw ang Kaligayahan Ko =
Nakilala ni Lalaine ang magkapatid na sina Rocky at Ralph. Hindi lang magkapatid ang turingan ng dalawa kundi magbestfriend din.

Si Rocky ang nakababata sa dalawa. Minahal niya kaagad si Lalaine ng makilala niya ito. Lahat ay ginawa na niya para mapansin lang ng dalaga pero si Ralph talaga ang mahal at hinabol-habol nito. Sa tuwing magkasama sila ay hindi nakatuon sa kanya ang atensyon ni Lalaine kundi sa kuya niya kaya madalas ay nasasaktan siya.

Si Ralph naman sa kabilang banda ay nakababatang kapatid lang ang turing kay Lalaine. Masyado siyang subsob sa trabaho at walang panahon sa pag-ibig. Kahit anong pakita ni Lalaine ng pagmamahal sa kanya ay hindi niya magustuhan ito.

Paano kung gamitin ni Ralph ang damdamin ng dalaga para saktan ito dahil sa pananakit na ginawa nito sa nakababatang kapatid niya? Mangingibabaw kaya ang pagiging magkapatid nina Rocky at Ralph kung pati si Ralph sa huli ay mahulog na din kay Lalaine? Mabuwag kaya ang matatag na samahan ng dalawa dahil lang sa isang babae? May pag-asa pa kayang lumigaya ang mga puso nilang pinagbuklod ng pagkakataon?

Kanino mas liligaya si Lalaine sa lalaking nagmamahal sa kanya ng lubos o sa lalaking minamahal niya?

———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark