Maniniwala ba ako sa isang katulad mo
May ligaya bang naghihintay tanong sa isip ko
Ngunit ng minsan sinabi mo iniibig ako
Di ako nakakibo at biglang nagbago ang tibok nitong aking puso
Chorus:
Kung maniniwala ba ako? Ako lang ang iibigin mo
Wala bang kahati ang puso ko sa puso mo
Di kaya ako magdaramdam tulad ng ibang nagmamahal
Sana’y hanggang wakas tayong dal’wa lamang
Sa bawat sandali ako ang hinahanap mo
Tunay bang hanggang wakas ang pag-ibig mo ay ako
Di kaya hanggang sa labi lang maririnig sayo
Na ako’y minamahal at hindi magsasawang abutin man ng kailanman
[Reapeat Chorus 3x]
Sana’y hanggang wakas tayong… dal’wa lamang



