I
Noo’y umibig na ako
Subali’t nasaktan ang puso
Parang ayoko nang umibig pang muli
II
Ma’y takot na nadaram
Na muli ay maranasan
Ayoko nang masaktang muli ang puso ko
Refrain:
Ngunit ng ikaw ay nakilala
Biglang nagbago ang nadarama
Chorus:
Para sa’yo akoy iibig pang muli
Dahil sa’yo akoy iibig nang muli
Ang aking puso’y pag-ingatan mo
Dahil sa ito’y muling magmamahal sa’yo
Para lang sa’yo
III
Muli ay aking nadama
Kung paano ang umibig
Masakit man ang nakaraa’y nalimot na
IV
Ang tulad mo’y naiiba
At sa’yo lamang nakita
Ang tunay na pag-ibig na aking hinahanap
Refrain:
Buti na lang ikaw ay nakilala
Binago mo ang nadarama
[Repeat Chorus]
Bridge:
Di na ako muling mag-iisa
Ngayong ikaw ay nandito na
[Repeat Chorus]
Ako’y iibig pang muli
Para lang sa’yo



