I
Talaga yatang wala nang pag-asa
Upang ako’y iyong ibigin pa
Pa’no mangyayari gayung ako’y ‘di mo pansin
Pa’no mo malalaman sayo’y may pagtingin
II
Lagi na lamang sa’king isipan
Sana ito’y iyong maramdaman
Masabi ko na sana na minamahal kita
Duon mo lang malalaman pag-ibig ko’y hanggan
Chorus
Pangarap ka na lang ba
O magiging katotohanan pa
Bakit may mahal ka nang iba
Ngunit ‘di bale na
Kahit mahal mo siya
Mahal naman kita
III
Kung totoong lahat ng ‘yan
Sana ako’y nangangarap na lang
Masayang man iyan ay pangarap lamang
‘Di naman ako ga’nong masasaktan
[Repeat Chorus]
Pa’no mangyayari gayung ako’y ‘di mo pansin
‘Di mo ba malalaman pag-ibig koy hanggan
[Repeat Chorus]
(Pangarap ka na lang ba
O magiging katotohanan pa
Bakit may mahal ka nang iba)
Ngunit di bale na
Kahit Mahal mo siya
Mahal naman kita
Mahal naman…. kita



