I
Kapag ako ay nagmahal
Iisa lamang at wala nang iba pa
Iaalay buong buhay
Lumigaya ka lang lahat ay gagawin
II
Tumingin ka man sa iba
Magwawalang kibo na lang itong puso ko
Walang sumbat na maririnig
Patak ng luha ko ang iniwang saksi
Chorus:
Bakit nga ba mahal kita
Kahit di pinapansin ang damdamin ko
Di mo man ako mahal
Ito pa rin ako nagmamahal ng tapat sa yo
Bakit nga ba mahal kita
Kahit na may mahal ka mang iba
Ba’t baliw na baliw ako sa’yo
Hanggang kailan ako magtitiis
O bakit nga ba Mahal kita
III
Ano man ang sabihin nila
Pagtingin ko sayoy di kailanman magmamaliw
Buong buhay paglilingkuran kita
Di naghahangad ng anumang kapalit
[Repeat II]
[Chorus 2x]



